a PAWS volunteer. what stops me from being one?
unang -una, malayo ang inuuwian ko from the PAWS headquarters. hindi biro ang layo ng laguna sa quezon city.
pangalawa, baka hindi ko maibigay ang time requirements ang hihingin sakin. alam ko hindi naman sila magiging sobrang demanding sa time, lalo na pag may work ka din naman, pero syempre iba pa din ung maibibigay mo ung time mo don ng walang iniisip na may kelangan ka pang gawin or puntahan.
pangatlo, baka hindi ko kayanin ang makakita ng mga hayop na may sakit or minaltrato. dito talaga mahina ang loob ko. baka kinukwento pa lng sakin na merong asong maysakit don eh naiiyak na ko.
sa dami ng naalagaan kong mga aso at pusa namin eh alam ko naman ang kakayahan ko na makapagbigay ng kalinga sa mga hayop. kaya ko namang magpaligo sa kanila, magpakain, magpainom ng gamot, matulog sa tabi nila. gusto ko din maka-meet ng ibang tao na may same passion as me when it comes to animals, with more dedication nga lng than me.
hindi pa siguro ito ang time para mag-volunteer ako. but i’m hoping that i’d be able to do that in the near future.
