Archive for July, 2007

first day ng advanced class

Posted in Friends, Randomness on July 9, 2007 by kat

nagstart na kahapon ang advanced class namin. sa simula nosebleed talaga kami, kasi naman bat may mga computations pa eh. sumama tuloy ang pakiramdam ni gigs…hehe

 syempre mas masaya to sa basic in the sense na nakakapagpractice talaga kami kasi sa studio ang class namin, with lighting and all.

kainis si nickey, sabi nya wala pa daw syang pera kaya sa august na lng daw sya, tapos kanina nung nasa class kami eh dumaan pala sya don pra magbayad for the august class. patawa talaga.

kaya ayun major kulit talaga kami sa kanya na kausapin nya si karen kung pwedeng sumabay na din sya samin.

after ng class, mineet namin nila gigs at jarell si nickey sa baywalk, kaya ayun nag night shoot na din kami. wala ako masyado na-shoot kasi hiniram ni gigs ung cam ko, pero ok lng kasi wala din naman ako sa mood magshoot kanina. ayoko pa lng talaga umuwi…hehe

i’m broke but i’m happy

Posted in Life on July 3, 2007 by kat

dilemma no more! thank you, Lord!

“i’m broke but i’m happy.” alanis morisette’s voice kept on echoing on my mind kanina pa. cguro nga kasi un ang nararamdaman ko ngayon.

i’m broke kasi i decided to enroll na in the advanced photography class. yey! syempre since biglaan sya eh napilitan akong iwidraw ung sweldo ko at natira na lng ung maintaining balance. pero for sure mababawasan ko din ang maintaining para sa everyday gastos ko. pero ganon talaga eh, “the things you would do to do the things you want to do.” ano daw? hahaha

i’m happy kasi macocontinue ko na ung photog class ko. sabi ko nga kay jarell, napaisip kasi ako sa sinabi nya na at least sila ang kasama ko magtake non. ang mokong nayanig daw sa sinabi ko kasi may impact din daw pala sakin ung mga sinasabi nya..hahaha

nakapag muni muni kasi ako nung saturday after ng bonding session namin. ang prob ko lng naman kasi eh akala ko sat ung classes…grrr!!!

buti na lng at nalaman ko agad na sunday pala. muntik pa kaming hindi maka-enroll kasi madami na daw sa class, buti na lng at pumayag na isali pa kaming tatlo.

sayang lang hindi makakasama si nickiey. la pa daw kasi sya money. nag-guilty nga ako eh kasi usapan namin nung isang araw na sa august na lng kami magtake. eh kaso naman ayoko na sa august since pwede na ngayon. pero sabi naman nya walang kaso, ok lng kahit sumabay na ko sa boys since makakapagsabay pa sila ni ina. sabi nga ni ina naunahan ko pa daw sila na talagang may balak..hahaha

balak ko na kasi gawing makatotohana ang pagreresign ko by then, at least may photog fallback ako. naks! kelangan ko na magpursigi ulit sa pagjo-jobhunt!

and besides, mas ok ung habang nagwoworskhop ako eh may work ako at tuloy lng ang sweldo..hahaha. money makes the world go ’round, baby! 😛

sidenote: currently happy *wink*

dilemma

Posted in Life on July 2, 2007 by kat

dilemma.jpg 

dilemma, dilemma, dilemma…

si jarell and gigs eh desidido nang magtake ng advanced photog this july and pinipilit din ako jarell since si nickiey din ata eh may balak din. bigla tuloy akong napaisip. nung una kasi iniisip ko lng to as a hobby pero ngayon naisip ko to keep my options open. and wala namang mawawala sakin kung magtake ako non, added knowledge pa nga eh. and beside it’s better to take it ngayon na sila pa ang kasama ko dba.

ang prob ko lng eh may pasok ako ng sats this july and wala na akong PERA! although mura lng naman ung fee eh syempre magastos din ang byahe don every sat tapos printing fees pa.

pero now decided na ko na magtake. since di pa naman sure si nickiey this july eh sinabi ko sa kanya na sa august na lng sya para sabay kami, and besides may cruise ship photog pa naman sila in two weeks.

Lord, help me.

waaahhh!!!!

Posted in Friends on July 1, 2007 by kat

img_2521-2.jpg

eugene, ramil, nickiey, ina, jarell, gigs, me 

i’m going to miss these guys big time!!!

kanina na ang last day ng basic photography workshop namin. i never thought na mamimiss ko to! at dahil sa last day na nga eh nagbonding session muna kami. after ng graduation ay nagpicture taking kami sa may playground area ng fort santiago.

then after sa fort santiago eh nagpunta naman kami sa baywalk. nilakad lng namin from..uhmmm..di ko actually alam kung anong lugar un..hehe. pero nilakadan pa namin ang US embassy so malayo pa from there ang pinagmulan namin..hehe

anyways, while walking ayun exchange of stories, mga plano after ng workshop, future plans for our “group.” we promised na we’d still meet every now and then eh magphotoshoot. first plan: trip to corregidor. which reminds me, di ko pa pala naggawa ang task ni president jarell na magresearch about corregidor trip..hehe.

nang mapagod kami sa kalalakad at kaka-take ng pics sa baywalk eh nagpunta naman kmi ng sm manila kasi magpapaprint pa si jarell ng entries nya don sa final contest. di kasi sya nakasabay samin last week because of his pesteng dengue so sa sunday batch na lng daw sya sasabay.

pagdating don wala na din naman kaming nagawa kasi nga pagod na kami. naupo na lng kami sa loob ng fuji at inantay ang mga pics nya.

syempre na off topic na naman ako..hehe..dami kasing kwento 😛

so ayun sobrang mamiss ko talaga sila, ang bonding, ang class, ang kulitan…as in lahat.

di bale, i’m sure naman na magkikita pa tayo agad. aasikasuhin ko na ang pagresearch sa corregidor.

 see you guys around!