Archive for November, 2007

finally!!!

Posted in all about me on November 29, 2007 by kat

dumating na ung visa ko! woooohoooo!!!

i had my fingerscan done last monday. 12:15pm ang sked ko. by 11am eh nandon nako kasi matagal din ang pagpila.

while waiting for my turn, grabe kinakabahan talaga ako. what if hindi na naman mabasa ang fingerprint ko? sayang na naman ang pagpunta ko don. sayang na naman ang sked. sayang na naman ang pagtawag to get a sked.

pagdating ko sa fingerscanning lady, mega kabog talaga ung dibdib ko sa kaba. sa kaba ko nga, naging sweaty na naman ung kamay ko.hehe

after getting my fingerscan, i was told to wait kasi tatawagin daw ulit ako. syempre kinabahan na naman ako. pano kung di pala ok at sasabihan lng ako na bumalik ulit? waaaahhh

after mga 10 mins cguro eh tinawagan na ulit ako. paglapit ko sa window, “ok na po. just pay for the delivery service na lng.” eh since bayad ko na sya the last time eh pwede na ko umuwi.

now, all i need is some moolah for my plane fare and pocket money. 😀

Advertisements

mommy and isay

Posted in Family, Friends on November 20, 2007 by kat

iintayin na sana namin ang closing ng gallery para kasabay na namin lumabas si eugene. kaya lng nagmadali na din ako umuwi kasi nagtext si mommy na nabangga sila sa hiway pero no need to worry naman daw kasi di sila nasaktan or anything, pero wasak ung harap ni isay, our 1995 honda civic esi.

on the way home, i have this guilt feeling inside kasi naiisip ko na kung sumabay ako sa knya pauwi eh ako sana ang nagdrive, at hindi sana nangyari un. tinext nya kasi ako ng mga 6pm kung sasabay ako eh kaso nasa kasarapan pa kami nila nickiey ng kwentuhan kaya di ako sumabay.

i got home past 10:30pm na and wala pa sila mommy at daddy kasi pumunta pa sila ng calamba kasi don ang office ng pncc at inasikaso pa nila na maiuwi si isay kasi ayaw nila na iwan sya sa impound kasi baka pagdiskitahan lng don at baka pagbalik nila eh pinagparte-partehan na.

they got home past 2am na. syempre ni-hug ko si mommy na ok lng un, at at least walang nangyaring masama sa kanila.

di sya pumasok ngayon kasi puyat din saka syempre may mga aasikasuhin din para sa incident. di na din ako pumasok kasi tamad ako pumasok mag-isa and in case na kelangan nya ng kasama pag-aasikaso eh pwede ko sya masamahan.

kanina ko lng nakita ang condition ni isay at talaga namang nanlumo ako nung nakita ko sya.

based sa estimate nila daddy eh sira na ung makina dahil sa impact at pressure nung barrier na tinamaan. it’s either we buy a new engine, which is so expensive, or declare na lng sa insurance na it’s already a total loss and have a claim na lng.

isay’s been with the family since 1995, since i was 11. imagine, ang bata ko pa lng nasamin na sya and ngayon ginagamit ko na sya. well-maintained to ni daddy kaya wala talagang problema makina nito. kumpleto sa checkup at change oil to. maarawan na kami wag lng si isay. ganyan kamahal ni daddy si isay.

sana magawan pa ng paraan or sana maclaim sa insurance na irepair lahat kasi malulungkot talaga kami pag nawala samin si isay.

yeah, i know it’s just material. i’m very thankful to God na walang nangyari kina mommy at ninang glo. ang sakin lng, that car has a lot of our memories, childhood, family, my college days, road trip with friends.

keeping my fingers crossed and hoping for the best. 😦

a day of events

Posted in Friends, Life on November 20, 2007 by kat

a lot has happened yesterday. i’ll start with the moning.

i was supposed to get my fingerscan at the US embassy yesterday. nung nagpa-interview kasi kami last sept 13 for our tourist visas eh hindi ko nagawa ung sa fingerscanning kasi nagbabalat ung kamay ko during that time so sabi sakin balik na lng ako for that. and that anytime eh pwede daw ako bumalik, no need pa na magpasked.

then kahapon, after almost 2 months eh bumalik ako for that fingerscan kasi kinukulit na ko ni daddy na asikasuhin na para daw makuha ko na ung visa ko. kala mo nman eh lalabas ng bansa.haha

anyways, i got there mga past 7am. nagbreakfast muna ako sa chowking kasi maaga pa naman saka baka matagalan ako sa loob. then mga 8am eh nagpunta na ko sa entrance. pinakita ko sa security sa labas ung passport ko and ung letter na binigay sakin nung fingerscanning lady last time. tapos sabi sakin di daw nya ko pwede papasukin kasi wala akong sked. wtf dba! eh sabi nga sakin di na kelangan magpasked. syempre pinilit ko ung alam ko. ayaw nya maniwala. ang dami na daw ganong kaso.

ang gulo gulo nila! nakakairita! naturingang US embassy, napunta lng sa pinas eh naging magulo na din. hay…so ayun nagpasked pa tuloy ulit ako. nasayang ung punta ko don kanina. im scheduled to have my fingerscan next monday. sana matuloy na.

~~~

since nagpunta ako ng manila eh usapan namin ni nickiey na magkikita kami. tapos imi-meet na din namin si men (si jarell, short for menandro, his first name.hehe) sa podium to meet din with eugene, our other ka-lente.

nagkita kami ni nickiey sa robinson’s place manila ng mga 11am then ikot ikot lng kami tapos kwentuhan galore. then we had lunch ng mga past 12nn. at eto pa, while waiting for my order sa pao tsin eh nakita ko si rosie. nakakatuwa talaga.

so sinabay na namin sya kumain tapos inintroduce ko silang dalawa ni nickiey since pare-pareho kaming mga bsb fans. tapos ayun mejo kwento din kami ni nickiey kay rosie about kay men.hehe

we left rob mga 1am. on the way sa podium eh nagtext si men kung papunta na daw ba kami ng podium. syempre reply ako ng oo. almost 2:30pm na kami nakadating ng podium kasi natagalan kami sa mrt sa dami ng tao.

pagdating sa podium eh sobrang pagod ung feeling namin ni nickiey kaya naupo muna kami at nagrelax while waiting for men. then nagtext si men na nasa mrt na daw sya.

then come 3:00, 3:30 eh di pa din sya dumadating kaya pinuntahan na namin si eugene sa gallery na pinapasukan nya.

4:00 wala pa din si men. then biglang tumawag. nasa abs-cbn pa daw sya. eh kanina lng nagtext sya na nasa mrt na daw sya tapos di pa pala sya umaalis kasi wala daw tryke. hay naku si menandro talaga!

dumating sya 5:00pm na! kamusta naman un! so ayun sobrang gisa talaga sya samin ni nickiey, pero more on kay nickiey. wala talaga syang kawala.haha

tumambay kami sa gallery ni eugene till 9:30pm. a great time indeed with them.

note: pictures to follow

happy birthday, jesse!

Posted in Family on November 18, 2007 by kat

today is my nephew’s birthday. jesse turned two today.

we haven’t seen each other ever since he was born and i’m hoping to see him soon.

happy birthday, jesse. sana makauwi ka na dito.  i love you. 😀

here are some of his pics:

 

alone

Posted in quotable quotes on November 17, 2007 by kat

 alone.jpg

“hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa, kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

inconsiderate drivers

Posted in daily struggles, random people on November 13, 2007 by kat

this is my third post for today. i just have to rant about this.

just when you thought na traffic lng ang worse na pwede mo maencounter sa pag-uwi mo. lahat na ata ng klase ng drivers na pinaka-aayaw ko eh naenounter ko ngayon.

1. motorcycle driver sa sm/dusit going to edsa. nasa left side sya, kumabaga, ung pwesto nya eh parking na. ako naman eh nagleft turn sa may dusit going to edsa na. aba, ang lolo mo, walang kahabag habag na lumipat sa lane ko. at deadma lng sya kung may sasakyan na babangga sa kanya. palibhasa malakas ang loob nya dahil alam nyang iiwas at iiwas ang mga sasakyan sa kanila dahil tao sila.

2. isang assembled van after sucat exit. since mabagal sya, binalak kong lumipat sa right side ko, which is the passing lane, para lampasan sya. nung nasa half na ako ng sasakyan nya eh naisipan nya din lumipat ng lane. syempre hindi naman ako pwdeng mag slow down agad dahil mababangga ako nung nasa likod, di din naman ako pwede lumipat sa shoulder kasi mababangga ako ng oncoming vehicles from sucat. so mega busina na lng ako sa kanya. ayun so balik sya sa lane nya.

3. and to top it, paglipat ko sa passing lane, isang napakabagal na mazda 3 ang nasa harap ko. take note: mazda 3! sa lahat ata ng mazda 3 na nakita ko eh sya ang pinakamabagal. maiintindihan ko pa kung lumang beetle un eh.

4. pagbaba from alabang viaduct, nananahimik ako sa lane ko, may isa namang fx na pinipilit na lumilipat sa lane ko, and to think galing sya sa filinvest exit. so meaning, nasa rightmost lane sya.

5. this time, nasa passing lane na ko kasi nag pass through kami sa shell. so dapat hanggang sa matapos ung counterflow eh nasa middle lane ako. then suddenly pagdating don sa area na lilipat na sa normal lane ung mga nagcounterflow eh may isa na namang fx na gusto i-cut ung lane ko. hindi lng basta cut, as in pagkagaling nya sa counterflow eh mega turn agad sya sa lane ko. which is supposed to be direcho lng sya kasi pag hindi sya napansin nung nasa likod eh mababangga talaga sya. un pala eh sa susana ang exit nya kaya kelangan nya lumipat agad. nung nakatapat na ko sa kanya eh bigla sya kumabig sa lane ko. nung bumusina ako, saka sya nagsignal ng right turn. haller! as if naman pagbibigyan ko sya eh mababangga ako nung nasa likod at nasa kanan kung hinayaan ko syang gitgitin ako. so mega busina talaga ako. sa haba ng busina ko eh nagising pa nga si mommy. at ito pa, sya din ung fx sa number 4!

bakit ba kasi ang daming inconsiderate drivers sa mundo! hindi ba pwedeng minsan gamitin nila ang common sense nila before sila gumawa ng move? buti sana kung sila lng ang mapapahamak eh, ang kaso ikaw na nag-iingat eh mapapahamak din dahil sa pagiging careless nila.

“people always leave”

Posted in Friends, office people on November 13, 2007 by kat

 people-always-leave.jpg

“people always leave.” ika nga ng officemate kong si joseph, napansin daw nyang yan ang laging status ko sa gtalk tuwing may magreresign sa office. well, tama nman sya.

this line/drawing is taken from one tree hill. umiikot ang line na to sa character ni peyton sawyer, played by hilarie burton. lahat kasi ng loved ones nya ay isa-isang nawawala. first, ung mom nya. namatay sya sa isang car accident nung 7 years old sya on the way para sunduin sya sa school. then ung daddy nya, palaging wala sa bahay, as in sya lng mag-isa sa bahay. sa iba-ibang lugar ata naa-assign. then na-in love sya kay jake (brian greenberg), pero in the end, umalis din because of personal problems. then nalaman nya na iba pala ang totoo nyang nanay. nung nakilala nya na ung totoo nyang nanay eh nadiscover nman nya na may cancer un at di din sila matagal na nagkakilala.

in my case, hindi nman ganyan kalala ang meaning ng “people always leave.” nagismula yan ng magresign si jann sa office. sya kasi ang super close ko dito office kasi batchmates kami. after non, tuwing may aalis dito sa office na ka-close eh ginagamit ko na yan. kaya nman nahalata din ni joseph.hehehe. the last time na ginamit ko to eh for sheilah.

akala ko matagal ko na ulit to magagamit. well, i thought wrong. as of now, yan ulit ang avatar sa gtalk ko. and this time, it’s for ate mel. hay…of all the people dito sa office, sya ang last na naiisip kong magreresign. pero ganon talaga eh, kelangan natin mag-move on. start na sya na di pumasok today. pero actually, di pa ganon na nagsisink-in sakin na di na sya papasok. feeling ko kasi eh on sick leave lng sya.

next time na ko ulit magkukwento, kelangan ko na balikan ung trabaho ko.