Archive for February, 2008

may rally na naman

Posted in celebrations, Friends on February 29, 2008 by kat

may rally na naman sa ayala..pero care namin!

spent the after-work hours with janine and mhea. sinamahan namin si janine na bumili ng cellphone. after ng madaming pag-iikot at pangungulit sa mga nagtitinda eh nag-settle na din si janine sa nag-iisang nokia 1110i sa isang stall sa parksquare. di nya masyado gusto kasi may ibang model syang gusto na phased out na, pero ok na din daw kasi ang importante naman sa kanya eh pang call at pang text.

after ng nakakapagod na phone hunting eh nag-dinner kami sa food choices. sa world chicken na naman ako bumili. sarap kasi eh. though mejo mahal sya. whatever! sweldo naman kaya sige na nga!

ang mhea, light lng daw ang kakainin, pero wag ka, naka rice at ulam din naman sya. di ko makakalimutan ung soup nyang lasang alak na pinakuluan. ang panget talaga ng lasa! di namin na-take.

so while eating, ayun kwentuhan hanggang sa nagka-ayaan mag-ice cream naman for dessert. sa FIC (fruits in ice cream) kami bumili para healthy kuno :P.

at nakakatawa pa pala, nagdeal ang mhea at janine. si janine magpapayat, si mhea magpapataba. ung kay janine may posibilidad pa eh, ung kay mhea parang wala na. 😛 tingnan na lng natin sa susunod na pagkikita-kita namin kung may pagbabago ba sa kanilang mga anyo 😀

image005.jpg

image006.jpg

image007.jpg

image008.jpg

image009.jpg

image010.jpg

leche!

Posted in bsb on February 27, 2008 by kat

ngayon dapat ang bsb concert dito! i’m so disappointed talaga na hindi sila natuloy! kumbakit ba naman kasi may mga pasaway na nagpopost sa website nila ng tour scheds kung hindi naman pala cgurado! pinaasa lng nila kami na makikita namin sila! lalo na ako! sobrang excited pa naman ako kasi a day after ng bday ko to!

kung sino man ung pasaway na un, madapa sana sya sa tae ng kalabaw!

it’s my birthday!

Posted in all about me on February 26, 2008 by kat

birthday ko na! it’s just like an ordinary day off from work. nasa bahay lng, late na gumising, hapon na di pa naliligo, maghapong nakahiga sa kama, nanonood lng ng tv, nag-syesta.

naiba lng ng konti kasi may mga greeters ako.hehe. pero di nga, di ko na-feel na birthday ko ngayon. ganon ba talaga pag tumatanda na?

tapos may isang tao pa jan na hindi nakaalala! super amp! ewan ko sayo!

nakabili na nga pala ako ng friends season 8 dvd. iyon ang regalo ko sarili ko. iyon na lng ang kulang sa collection ko. muntik pa ngang maling season ang mabili ko kasi nawala sa isip ko na season 8 pala ang kelangan ko.

friends-season-8-dvd.jpg

i spent the whole afternoon ng monday and today just watching the dvd. in fairness, natapos ko naman ang buong season. papanoorin ko nga sana ulit ung season 9 kaso baka late na naman ako makatulog nito at ma-late na naman ako ng gising bukas.

buti na lng at nanjan ang friends to cheer me up on this nothing-but-ordinary day.

my silver

Posted in all about me, celebrations on February 26, 2008 by kat

_mg_0298.jpg

_mg_0300.jpg

_mg_0302.jpg

_mg_0308.jpg

_mg_0315.jpg

_mg_0318.jpg

_mg_0330.jpg

_mg_0337.jpg

it’s official, i’m now 25! celebrated my birthday a day early since holiday today. i decided to invite the friends over for meryenda/dinner at the last minute.hehe. wala lng. nung una kasi wala akong balak na mag-celebrate or anything. pero paggising ko kanina, naisip ko na ang boring ng maghapon ko so i decided to invite them na lng. nothing fancy. we just had a simple salo-salo with the friends and the family. i had pansit malabon, pork asado, chicken at syempre cake.

syempre, di mauubos ang walang katapusang tawanan, kulitan, palitan ng kwento. same same. 😀

i just invited the hs friends. di ko naman kaya maghanda for ALL my friends.

di ako papasok sa office mamaya. i’m on vacation.hehe. i want to spend the rest of the day just bumming around, not thinking of work, not getting stressed of work, no OT, no traffic.

hotness = marc nelson :)

Posted in celebrities on February 22, 2008 by kat

amazing-race-asia.jpg

marc-nelson-rovilson-fernandez.jpg

 mark-nelson.jpg

oh my God! marc nelson is so hot!!! nakakapaso! 😀  i see him once in a while on tv and commercials. i watch sports unlimited din every now and then pag naabutan ko and kapansin-pansin talaga sya. pero iba ung exposure nya sa the amazing race asia season 2. he really is a sports buff. very active. and oooohhh that body plus that accent, hotness to the nth level! 😀

from now on, i so like marc nelson na! 🙂

i get so weak

Posted in Randomness, someone on February 22, 2008 by kat

isang buwan kitang hindi nakausap. nag-iiwan ako ng offline messages sayo pero di mo sinasagot. may email ako sayo last year pa di mo din nirereplyan. alam kong nakakapag-internet ka every now and then, nakikita ko sa friendster mo.

online ka daw kagabi. tulog na ako non kaya di na ako nakapag-online.

naiinis ako sayo. alam ko wala akong karapatan. basta, naiinis ako.

pagdating ko dito sa opisina, pag-online ko sa ym, nakita ko agad ang offline message mong nangangamusta, bat biglang nawala ang inis ko?

a deal’s a deal

Posted in Friends on February 21, 2008 by kat

since wala kaming mga date nung vday, nagdeal kami ni che na bibigyan nya ko ng flowers as long as bibigyan ko din sya 😀 supposedly, magkikita-kita kami nung vday. ite-treat nya din kami kasi natuloy na ang pagre-resign nya. kaso hindi natuloy kasi 7pm pa ako makakaalis ng makati, si janine naman eh 6:30. so lanta na sila sa laguna, wala pa din kami 😀

syempre maganda kumpleto kami dba, kaso lagi na lng hindi. sabi ko sat na lng kami magdate kasi di ako pwede ng sun. si rhea naman daw ang wala sa sat. so sabi ko ituloy na lng kahit wala ako. i-treat nya na lng ako ng hiwalay.hehe.

so nagtext sya nung friday night na ituloy na daw namin ng sat. since wala naman daw nagrereply sa kanya, at ako lng pala ang nagreply, eh ituloy na ng sat. at panay ang remind ng flowers na ibibigay ko sa kanya. usapan namin eh after lunch sa atc. di na kami nagsabay ng alis kasi maaga sya nagpunta don kasi nagkita muna sila ni anne and nanood ng movie ni richard gutierrez at marian rivera.

pagdating ko ng atc, pinasunod nya ako sa national kasi don daw sila nagpapalipas ng oras. mejo malayo pa lng ako nakikita na nya na may bitbit akong flowers at natutuwa naman ang gaga.hehe. pag-abot ko, “o ayan. asan ung sakin?” kesyo wala na daw natitinda kasi nga tapos na ang vday. eh haller, madami kayang nagbebenta sa pacita, don nga ako bumili eh. 😛 pero may iba na lng syang binigay sakin. sabi nung friend ni anne, “eh kaya naman pala late eh, nag-effort.” 😀  😀 parang bf lng? 😀

it’s one thing that would make her happy kaya i made sure na may dala akong flowers. sabi nya pa sakin natupad din daw ang wish nya na may magbibigay ng flowers sa knya.

maagang umalis si anne kasi bawal daw sya pagabi. magagalit daddy nya 😀

we were supposed to meet leng sa festi ng mga 5pm or 6pm. so while killing time sa atc, nagmeryenda muna kami. anak ng teteng, pagkakain namin eh nagtext na di na daw sya makakapunta. si rhea naman eh pacute lng na di pa din sure. si janine naman eh hindi talaga makakapunta kasi may pupuntahan pa daw sya sa guadalupe.

so it turned out, kaming dalawa nga ang nag-date 😀 natuwa naman ang loka kasi ako lng ang ililibre nya. kaya ayun sabi ko i-sine nya ako.hehe.

we had dinner sa shakey’s festi. di ko naubos ung bunch of lunch ko kasi busog pa ko from meryenda. grabe sa tamis ung choco shake nila, sumakit tonsils ko kinabukasan.

nagmamadali din kami magdinner kasi 7:50 ung papanoorin namin. we watched juno. ayun, nalate kami kaya di namin nasimulan. inulit pa tuloy namin ung simula. asar na asar nga kami eh kasi ang daming preview before mag-start 😛

so ayun, nakauwi kami past 11pm na. it was a fun night.