Archive for March, 2008

upgrade

Posted in buhay office on March 11, 2008 by kat

sa dalawang taon ko dito sa office, never pa kami nagkaron ng bagong upuan. kahit saang floor kami magpadpad, laging ganon ang mga upuan. luma! may floor naman na mejo bago, but still, nagamit na din ng iba. dito sa 18th floor na huli namin nilipatan, uber sa luma ang mga upuan. as in may konting mga punit at butas na. kupas na din ang kulay.

old-office-chair.jpg

 

similar dito ang mga upuan namin. kulay blue lng. masakit din ito sa likod pag maghapon kang nakaupo. at sa nature ng trabaho namin, magkahapon nga kaming nakaupo.

 

kaya laking gulat at tuwa na lng namin nung sabado na isa-isa na kaming binibigyan ng bagong upuan. nung una, akala ko mga bossing lng ang bibigyanng ganong upuan, un pala lahat kami.

new-office-chair.jpg

parang ganito na ang upuan namin ngayon. kulay blue lng ulit.hehe. sorry na, wala akong mahanap na blue eh 😀

mas komportable na ang upo namin dito kasi mas mataas ang sandalan nya. at higit sa lahat, BRAND NEW! wala pang nakakagamit, bagong alis lng sa pagkakabalot.

 

 sana sa susunod ganito naman ang ipalit nila:

dream-office-chair-4.jpg

o kaya ito,

dream-office-chair-5.jpg

oh, sosyal dba. pero pwede ding ganito na lng. 😛

dream-office-chair-1.jpg

dream-office-chair-2.jpg

pag nangyari to, we’d be the coolest office ever! 😛

cold summer nights

Posted in My Pets on March 10, 2008 by kat

i love this summer! based sa mga weather reports, hindi mainit ang summer ngayon compared sa mga nakaraang summers. i can’t believe it nga na di na ako gumagamit ng electric fan sa pagtulog…and here’s the best part…nakakapag-comforter pa ako! ang sarap sarap matulog. ang hirap nga lng gumising sa umaga kasi napapasarap pa ako ng tulog.

at dahil nga sa malamig, ito ang itsura ni chubie ko sa umaga:

chubie-1.jpg

chubie-2.jpg

chubie-3.jpg

tsokolate, a choco choco

Posted in all about me, buhay office, office people on March 6, 2008 by kat

toblerone-mini.jpg 

hersheys-kisses.jpg

after ng dalawang araw na bakasyon, pumasok na ulit si donya. dumating kasi ang don mula sa ibang bansa para magbakasyon dito. at syempre, may dalang chocolates si donya pag pasok kanina na sya namang pinaghati-hatian namin kaning lunch. actually, ako ata ang may pinakamadaming nakuha. 😀

eto nga kasalukuyan kong kinakain ang aking toblerone. buti na nga lng at mini, kundi, naku patay na naman ang tonsils ko nito. nabubusog na din ako sa kakainom ng tubig para ma-flush out ang chocolate sa lalamunan ko. 😛

waaahhhh wag naman sana ako ma-tonsilitis nito. 😀

alvin and the chipmunks

Posted in movies i've seen on March 4, 2008 by kat

alvin-and-the-chipmunks.jpg

nakakaaliw! nakakabaliw! 😀 i love this movie. nakakawala sya ng stress. kahit na masakit ang ulo ko nung pinanood ko to eh na-enjoy ko pa din. mejo akward nga lng kasi computer-generated sila but still, ok pa din naman ang kinalabasan. nakakatuwa pa ung boses nila lalo na pag nagkukulitan sila.

 theodore.jpg

at ang cute cute pa ni theodore! gusto ko tuloy magkaron ng chipmunk at papangalanan ko din ng theodore. 😛

5 steps

Posted in movies i've seen, thought balloon on March 2, 2008 by kat

reach-for-your-dreams.jpg 

based sa movie nila toni gonzaga at sam milby na my big love, may five steps to losing weight. pero i think, ang five steps na ito ay pwede din i-apply sa ano mang aspeto ng buhay natin.

step 1: goal setting.

kung may gusto tayong marating o ma-achieve, kelangan meron tayong goal. masasabi nating naging successful nga tayo sa isang bagay kapag nagawa na natin ang ating goal.

dapat din gawin natin ang mga bagay hindi lamang dahil sa sabi ng ibang tao eh un ang tama o sa tingin natin un ang makakapagpaligaya sa ibang tao. mali un. kelangan gawin mo ang isang bagay dahil sa un ang gusto mo at un ang ikakasaya mo. oo, pwedeng magiging masaya tayo pag may napasaya tayo. pero hanggang kelan un? dadating din kasi ang panahon na maiisip mong hindi mo naman pala talaga un gusto. kaya dapat, gawin natin ang mga bagay para sarili natin nang hindi dumedepende sa ibang tao.

step 2: start today.

tama naman dba, bakit pa ipagpapabukas ang pwede namang gawin ngayon. lagi nating tatandaan na madami pang bukas. hangga’t ipinagpapabukas natin ang mga bagay, lalong hindi natin ito magagawa.

step 3: there are no shortcuts.

sa lahat ng bagay, walang maikling ruta para maabot natin ang mga gusto natin. may mga paraan na nakakatulong para mapadali ito, pero hindi para mapabilis. dapat matuto tayong maging patient at hindi mapagmadali. ika nga, “everything will fall into place at the right time.

step 4: inspiration/motivation

importateng meron tayo nito. ito ang nagsisilbing pampagising satin or pampalakas ng ating loob para ipagpatuloy ang kung ano mang nais natin. maaari tayong madapa along the way, pero basta may mga bagay o mga tao na nag-iinpsire at nagmo-motivate satin eh makakayanan nating bumangon ulit at ipagpatuloy ang nasimulan natin.

step 5: be happy

ika nga sa jollibee, “bee happy.” madaling sabihin kung ano ang sa tingin natin eh makakapagpaligaya satin. pero minsan, pag narating na natin ito, eh saka natin nare-realize na hindi pala ito ang talagang makakapagpasaya satin.

hindi din naman pwedeng puro hirap lng palagi, kelangan ienjoy din natin buhay, ang mga nasa paligid natin. para sakin, once na you have a positive outlook in life, makakayanan mong maabot ang mga gusto mo at maging masaya sa buhay.

happy 2 years

Posted in buhay office, celebrations on March 1, 2008 by kat

charlie batch

it’s been two years since we first stepped into this company. ang dami nang nangyari, nandito pa din tayo. madami nang umalis, madami nang dumating, nandito pa din tayo. lahat ng batchmates natin naka-move on na, nandito pa din tayo. ilang rally na ang naganap sa ayala, nandito pa din tayo. ilang floors na ang niliptan natin, nandito pa din tayo. ilang beses na nating sinabi na lilipat tayo pero nandito pa din tayo. madami na ang naunahan tayo sa pag-alis pero nandito pa din tayo. ilang beses na tayong nagreklamo na ang liit ng sweldo natin, pero nandito pa din tayo. dalawang birthdays ko na ang nangyari, nandito pa din tayo.

so to my two remaining batchmates, congrats satin! sino bang mag-aakala na tatagal tayo dito ng ganito?