Archive for May, 2008

katapusan

Posted in all about me, buhay office on May 30, 2008 by kat

katapusan na naman ng buwan.

sweldo na naman.

hindi ako natutuwa sa tuwing makikita ko ang payslip ko.

sa mga ganitong panahon ko lalong naiisipan ang mag-resign.

BIR lng naman ang natutuwa tuwing araw ng sweldo.

hindi na ‘to nakakatuwa.

kelangan nang kumilos.

step 1

Posted in all about me, thought balloon, Work on May 29, 2008 by kat

it’s been two years ng mapadpad ako sa company na pinapasukan ko ngayon. bago sakin ang trabahong inoffer nila. sabi ko sa sarili ko, “cge ok lng. pwede pa din naman ako mag-jobhunt kahit nandito ako. temporary lng to.” or so i thought. nandito pa din ako after two years and several months. ang dami nang dumating, ang dami nang umalis. ilang pag-aya na ng jobhunt ang tinanggihan ko. at dahilan ko, ayaw ko pa ulit mag-apply. wala pa ako sa mood.

nakakatamad naman kasi talaga eh. ayoko na ulit pagdaan ang mga proseso. ang kaba. ang umasa. pero habang tumatagal, the more na naiisip kong kelangan na talaga mag-move on to another company. masakit man sakin ang umalis dahil madami akong maiiwanang kaibigan. yan ang number one na dahilan bakit di ako makaalis-alis dito. kahit anong reklamo ko sa trabaho at sa sweldo eh nagtya-tyaga pa din ako dahil kasundo ko ang mga tao dito. at alam kong ganon din ang iba kong mga kasama.

mahirap talaga iwanan ang mga taong nakasanayan mo na, lalo pa ang bond na nabuo samin. mahirap humanap ng mga taong makakasundo.

these past two weeks, tatlo na ang nag-resign samin. at number one na dahilan eh ang kawalan namin ng increase. isa na dito ang ka-batch ko. tatlo na lng kami — strike that — dalawa na lng pla kami sa batch ang maiiwan sa opisina.  ang ka-batch ko eh next week na effective ang resignation. ang dalawa pa eh immediately nag-resign. may nahanap kasi sila agad na work at di hamak na mas mataas ang sweldo kesa sa current na natatanggap namin.

para masimulan na ang dalawang taong binalak na paglipat eh gumawa na ko kagabi ng resume ko. inedit ko na pero hindi ko pa naprint. kinausap ko pa kasi kanina ang dalawa sa aming nga quality assurance associates na mga kaibigan ko na ilalagay ko sila as references. syempre mejo nabigla sila, though alam naman nilang matagal ko nang balak yon. sabi ko sa kanila na wala pa din akong definite plans pero nagre-ready na ako. wala kasing mangyayari kung di ko sisimulan eh.

step 1.

step 2 – hmmmm…

ang sarap

Posted in thought balloon, whatever on May 29, 2008 by kat

umuwi ng maaga.

magbyahe ng may sikat pa ang araw.

mag-dinner on time.

magpahinga ng maaga.

sana ganito na lng palagi.

oh, my cookie!

Posted in alex my love, cookie on May 28, 2008 by kat

the more i listen to david cook, the more na naiinlab ako sa kanya! 🙂

pinagtatawanan ako ni rhea nung magkasama kami nung isang araw. ambaduy ko daw! tawagin ko daw bang cookie si cook! :)) sabi ko wala kasi ako maisip na term of endearment (at parang kelangan talaga eh no) na itatawag ko kay cook kaya cookie na lng 😀

galing galing talaga ng rendition nya ng always be my baby ni mariah carey. parang si mariah pa ang nag-revive. :))

sayang lng at di ko sya nasubaybayan sa AI. di ko kasi talaga naabutan ung sked non pag-uwi ko eh. pero di bale, i will see him na lng dito if ever bibisita sya just like other AI grads. 😀

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ooooppppppss..don’t be jealous, alex my love. fling lng to! 😀 you will always be my baby. you’re tattooed on my mind, remember?

parang kagat lang ng langgam

Posted in office people on May 28, 2008 by kat

sinabihan kami last week na magkakaron kami ng flu vaccination ngayon sa office. sabi sa memo di daw pwede magpa-bakuna ang mga may sipon at pregnant. may ilan din akong kasama na ayaw magpaturok. 😀 nandyang sabi ng isang officemate ko na magkakasipon daw sya sa araw na to. ang iba naman nagbibiruan na buntis daw sila. ang iba naman ay may allergy daw sila kaya di pwede. at may isa na nag-absent pa talaga para iwasan ang karayom! :))

on my part, ok lng naman sakin though alam kong masakit din un.hehe..pero kelangan eh. mas mahirap magkasakit. nakakatawa pala ang mga ganong scenario na nakapila lahat ng magpapabakuna. kita mo talaga kung sino ang takot at sinong hindi. parang survival of the fittest lng. 😀

ang officemate ko na tinangkang magkakasakit daw sa araw na ito eh na-convince din namin na magpabakuna na. tutal sagot naman un ng aming mahal na HMO at para din naman samin un. kita mo talaga sa mukha nya na kinakabahan sya. namumutla sya talaga. pero kinaya naman nya ang injection. and we’re very proud of her 😀

sayang di naman napanood ang mga lalake. kelangan na kasi namin bumalik sa floor nung pumunta sila kay doc 😀

pagbalik sa prod floor ang iba samin parang naka-drugs. nandyang may nahilo, dahil na din sa epekto ng gamot, ang iba naman samin, like me, eh mejo namanhid lng ang braso.

sana naman effective nga ang flu vaccine na itey! bawal magkasakit! 😉

200034

Posted in buhay office, office people on May 27, 2008 by kat

effective na today ang bagong biometrics namin. at syempre, late na naman ako. ganon din noon nung unang inimplement ang biometrics system sa opisina.

kinunan kami nung friday ng bagong fingerprints para sa thumb at sa isa pang alternate finger. sabi ni sir mandy, ang galing ko daw mag-finger. ilan lng daw saming mga babae ang naka-perfect sa pag-finger 😀 sumang-ayon naman si kuya guard na nasa likod ko.

nang makapag-usap kami ni mitz, ganon din daw ang sabi sa kanya ni sir.

nang si mam naman ang sabihan ni sir ng ganon, isang malamig na titig lamang ang kanyang natanggap na parang di makapaniwalang sinabihan sya ng ganon :))

kamatis

Posted in Friends, usap-usapan on May 25, 2008 by kat

ganito ang naging usapan namin ni jel pagkakita namin sa order namin sa mexicali.

kat: ay, ang dami palang kamatis nitong salad nila. di pa naman ako kumakain ng kamatis.

jel: lam mo ba, pinaglihi ako sa kamatis.

kat: ano naman ang meron sa kamatis ang nakuha mo?

jel: mabuto.

😀