Archive for October, 2008

friday na bukas :(

Posted in someone on October 23, 2008 by kat

Advertisements

pwede bang

Posted in someone on October 20, 2008 by kat

wag na lng mag-friday?

one-fifth dream come true

Posted in bsb, celebrities, Friends on October 6, 2008 by kat

sept. 28 2008, hindi ko makakalimutan ang araw na to. ito ang araw na na-meet ko ang isa sa mga taong ina-idolize ko, si howie d, one of the backstreet boys. it has always been my dream, as you all noticed, to see the backstreet boys in the flesh. kahit cguro hindi ko sila makausap or malapitan, the mere fact na makita ko lng sila mag-perform live is already a blessing.

ilang months na ding usap-usapan namin sa bsbfcp ang pagdating ni howie dito sa pinas. nagkaron kasi sya ng duet with our very own sarah geronimo. their song is entitled “i’ll be there” produced by christian de walden, an international record producer. swerte ng babaeng to! dream come true din for her. he was scheduled to visit last july kaso nagkasakit ung tatay nya kaya di sya natuloy dito. unfortunately, namatay din last july si papa d.

howie was here from sept. 23 to sept. 28. kasama nya ang kanyang lovely wife na si leigh. we didn’t get to see him arrive in the airport. karamihan kasi samin working na eh kaya walang time to go there and hindi din namin alam ang flight details nya.

di man kami nakasalubong sa kanya, or kahit sa presscon nya, but the club admins made it sure na aware si howie na may nag-e-exist pa na bsb fans sa pinas.

we were all able to catch howie on sarah’s album launch at MoA. sabi samin, 3pm ang start ng show. nandon na kami pagbukas pa lng ng mall, which is 10am. gusto namin mauna sa pila para maka-front seat kami. syempre naman, minsan lng may bsb na maliligaw sa pinas, dapat talaga sulitin.

kasama ko si ate olive, mineet namin si che ng 10am sa MoA music hall. by 11, dumating na sila lorry at crislyn (bsbfcp admins) and some other fans din. pagdating nila nagstart na kami ng pila. kahit walang pila, sinimulan na namin para una kami. maya maya, dumating na ang fans ni sarah. buti na lng nauna kami sa kanila.

nakakapagod pumila! imagine, nakatayo na kami don from 11am. habang nag-aantay, inaliw muna namin ang aming mga sarili.

me and lorry

che, katz, nendz, rosie

nung mejo nagiging reklamador na kami sa pagod sa pagtayo at pag-aantay, nilabas na ni cris ang howie action figure kaya naman nagkaron kami ng bagong libangan. 😀

me and howie 😀

almost 3pm na ng papasukin kami ng venue. para makapasok sa venue, kelangan mag-purchase ng new album ni sarah. at may kasama nang autograph signing un with sarah and howie. sulit na for P250 dba. 😀

start na ng cd sale.

sa araw na to ko talaga na-feel ang pagiging bsb fan ko. 🙂

yan ang reserved seats for the sponsors. at right after ng sponsors kami nakapwesto, so technically, front seat na din. 😀 at ang lapit lapit namin sa stage!

while still waiting.

that’s us just after the barricade. and that’s our “lost” faces. inip na kami pag-aantay kay howie. 😀

jampacked ang album launch ni sarah.

maya-maya, isa-isa nang nagdatingan sina howie at sarah. nagkagulo na ang mga tao. lalo na kami. 😀

howie’s and leigh’s arrival.

change outfit.

he sees us!!!

habang hindi pa nagstart ang show, the bsbfcp admins and the contest winners had a meet and greet with howie. oh my nakakainggit talaga! kasi naman eh, bat ba di ako nag-effort na sumali sa contest, eh di sana ako ung katabi ni howie sa pic. 😀

bsbfcp admins and the contest winners with howie d.

a few minutes bago mag-start ang show, sinabihan kami nila crislyn, who were in the sponsors area, na lumipat daw kami sa sponsors. i guess kasi hindi napuno kaya pinagpaalam nila sa viva representative kung pwede kami pumasok. waaahhh!!! i wasn’t expecting this! 😀 so nagmamadali kami nila che at ate olive na lumabas at umikot sa likod. mejo natagalan kami makalabas kasi siksikan na ang mga tao. natagalan pa kami hanapin si crislyn don sa kabilang entrance kasi gitgitan na ang mga tao at ayaw kami pansinin ng mg guards. buti na lng nagkita din kami at nakapasok na kami. sakto naman pagpasok namin sa sponsors area, nagsasalita pa ang mga hosts at ini-introduce na ang front act. whew! na-stress ako sa mga kaganapan na un. 😀

hosts, nicole-hiyala and chris-tsuper.

front act, jimmy marquez.

whew! just in time! front seat, baby!!!

after ng ilang songs ni jimmy marquez, nagstart naman ang solo act ni sarah. grabe non ko lng na-realize na ang dami-dami pala talagang fans ni sarah. iba kasi ung nakikita mo lng sa tv, at mas lalong iba pag in person. at never ko din na-imagine na pupunta ako sa album launch ng isang pinoy singer.

after kumanta ni sarah ng i think tatlo or apat na songs from her new album, inintoduce nya na si howie d.

sweet d in the house 🙂

anliit ni howie. 😀

“i’ll be there for you when the earth stops turning…”

isa lng ang kinanta nila. ung duet nila. i was hoping pa naman na kakanta pa sila ng kahit ano. un pala un lng talaga.

after ng duet nila, bumaba sila sa sponsors area para lapitan ang big bosses na responsible sa show nila, like mr. christian de walden, ang producer ng album ni sarah, pati na din ang big boss ng viva na si vic del rosario, may representative din na big boss ng sm.

i love this sarah shot.

we were THIS close to them. 😀

mrs. howie d

he heard us!

gwapo talaga kahit nakatalikod.

ready na for the autograph signing.

he saw me and he made that peace at me. 😀

natapos ang show at nakapagpa-autograph kami ng bandang 7pm na. sa sobrang starstruck ko sa kanya, hindi ko na nasabi ung line na pinagpraktisan kong sasabihin ko sa kanya. 😀 the one to two minutes na nasa harapan nya ako, nakatitig lng ako sa kanya habang kausap nya ung coordinator na nag-a-assist sa autograph signing. di pa din ako makapaniwala na nagsasalita sya sa harap ko.

nang pauwi na kami, don lng ako nakaranas ng pagod at pagkagutom. don ko talagang naramdamang ang sakit sakit ng likod ko dahil sa bigat ng dslr ko. at don ko din narealize na sulit naman pala ang photography classes ko! i am so happy with my shots. 😀

up to this day, sobrang overwhelmed pa din ang feeling ko. hindi pa din ako makapaniwala na nakaharap ko si howie, the howie d. 😀 dati pinapangarap ko lng na makita sila, at ngayon natupad na ma-meet ko ang isa sa kanila. totoo palang may howie d. 😀 bat naman kasi hindi na lng sya ang minahal ko eh, bakit ba si AJ pa. 😀