Archive for December, 2008

ngayong darating na 2009…

Posted in Randomness, when boredom strikes on December 31, 2008 by kat
  • may artistang mamamatay dahil sa katandaan,  
  • may artistang mamamatay dahil sa aksidente,
  • may pinoy/pinay na sisikat sa international scene,
  • may batang artista na sisikat ng todo,
  • may artistang mabubuntis,
  • may lulubog na barko,
  • may babagsak na eroplano,
  • may bagyo na pipinsala sa libo-libong tao at ari-arian,
  • may lindol,
  • may baha,
  • may masusunugan,
  • may malulunod,
  • may mananakawan,
  • may mangunugrakot,
  • may magdedemandahan,
  • may ipapanganak,
  • may mamamatay
  • may yayaman,
  • may maghihirap,
  • may fare hike,
  • may price increase,
  • may tuition fee increase,
  • may traffic,
  • may gaganda,
  • may papanget

may pinagkaiba ba sa predictions ng mga nakaraang taon?

HAPPY NEW YEAR, EVERYONE!

Advertisements

utang na loob!

Posted in thought balloon on December 28, 2008 by kat

please lng, wag namang gawing spamming ang pagse-send ng forwarded quotes. buti sana kung nakakain yang spam na yan, nabusog na ko, natuwa pa ako dba.

three to five forwarded messages a day, pwede na, quota na un. pero to send me three to five forwarded messages at a time, NAKAKAIRITA NA. NAKAKAPIKON NA. tapos may sinesend na sa umaga, meron pa sa gabi. meron pa rin during office hours. oh, come on! di na ako natutuwa. di ko na nga binabasa eh. makita ko pa lng ung sender, delete na agad. ako pa naman ung tipong excited pag tumutunog ung phone ko tapos makikita ko, “quote na naman?!” DELETE! para sakin kasi nawawala na ung essence nung quote kasi alam ko naman sinesend nyo lng un kasi nga naka-unli kayo at kelangan sulitin.

i’m not pertaining to one person kasi madami nagsesend sakin ng forwarded quotes. alam ko nilulubos nyo lng ang mga unli nyo, pero sana isipin nyo naman na nakakainis na din. di ba kayo napapagod kaka-forward? sa sobrang nasanay na kayo ng kaka-forward di nyo na ata binabasa ung sinesend nyo eh. di nyo na nae-edit ung “gudam” when in fact gabi na kayo nagsesend. i-delete nyo na lng ako sa groups na pinapadalan nyo kasi i don’t bother reading them anymore. sayang din ung text nyo. send it to other people na lng na mas makaka-appreciete.

ito lng, i don’t mind receiving quotes every once and a while. naappreciate ko din naman un lalo na pag di ko madalas makausap ung sender. pero naman, ung sunod-sunod, di na talaga nakakatuwa. makita ko pa lng ung sender, delete agad. sorry, pero this is not the first time na nag-rant ako about this. alam na ng iba sa inyo ang stand ko dito.

again, okay lng mag-send ng forwarded messages, wag nyo lng i-flood ang inbox ko.