Archive for the celebrities Category

you changed my life

Posted in celebrities, Randomness on February 8, 2009 by kat

waaaaahhhh! i can’t wait to watch this. excited na ko mapanood ulit si sir. i therefore quote sir, “eh di masanay ka, wala naman akong balak na itigil to eh.” hahaha! kilig! πŸ˜€

one-fifth dream come true

Posted in bsb, celebrities, Friends on October 6, 2008 by kat

sept. 28 2008, hindi ko makakalimutan ang araw na to. ito ang araw na na-meet ko ang isa sa mga taong ina-idolize ko, si howie d, one of the backstreet boys. it has always been my dream, as you all noticed, to see the backstreet boys in the flesh. kahit cguro hindi ko sila makausap or malapitan, the mere fact na makita ko lng sila mag-perform live is already a blessing.

ilang months na ding usap-usapan namin sa bsbfcp ang pagdating ni howie dito sa pinas. nagkaron kasi sya ng duet with our very own sarah geronimo. their song is entitled “i’ll be there” produced by christian de walden, an international record producer. swerte ng babaeng to! dream come true din for her. he was scheduled to visit last july kaso nagkasakit ung tatay nya kaya di sya natuloy dito. unfortunately, namatay din last july si papa d.

howie was here from sept. 23 to sept. 28. kasama nya ang kanyang lovely wife na si leigh. we didn’t get to see him arrive in the airport. karamihan kasi samin working na eh kaya walang time to go there and hindi din namin alam ang flight details nya.

di man kami nakasalubong sa kanya, or kahit sa presscon nya, but the club admins made it sure na aware si howie na may nag-e-exist pa na bsb fans sa pinas.

we were all able to catch howie on sarah’s album launch at MoA. sabi samin, 3pm ang start ng show. nandon na kami pagbukas pa lng ng mall, which is 10am. gusto namin mauna sa pila para maka-front seat kami. syempre naman, minsan lng may bsb na maliligaw sa pinas, dapat talaga sulitin.

kasama ko si ate olive, mineet namin si che ng 10am sa MoA music hall. by 11, dumating na sila lorry at crislyn (bsbfcp admins) and some other fans din. pagdating nila nagstart na kami ng pila. kahit walang pila, sinimulan na namin para una kami. maya maya, dumating na ang fans ni sarah. buti na lng nauna kami sa kanila.

nakakapagod pumila! imagine, nakatayo na kami don from 11am. habang nag-aantay, inaliw muna namin ang aming mga sarili.

me and lorry

che, katz, nendz, rosie

nung mejo nagiging reklamador na kami sa pagod sa pagtayo at pag-aantay, nilabas na ni cris ang howie action figure kaya naman nagkaron kami ng bagong libangan. πŸ˜€

me and howie πŸ˜€

almost 3pm na ng papasukin kami ng venue. para makapasok sa venue, kelangan mag-purchase ng new album ni sarah. at may kasama nang autograph signing un with sarah and howie. sulit na for P250 dba. πŸ˜€

start na ng cd sale.

sa araw na to ko talaga na-feel ang pagiging bsb fan ko. πŸ™‚

yan ang reserved seats for the sponsors. at right after ng sponsors kami nakapwesto, so technically, front seat na din. πŸ˜€ at ang lapit lapit namin sa stage!

while still waiting.

that’s us just after the barricade. and that’s our “lost” faces. inip na kami pag-aantay kay howie. πŸ˜€

jampacked ang album launch ni sarah.

maya-maya, isa-isa nang nagdatingan sina howie at sarah. nagkagulo na ang mga tao. lalo na kami. πŸ˜€

howie’s and leigh’s arrival.

change outfit.

he sees us!!!

habang hindi pa nagstart ang show, the bsbfcp admins and the contest winners had a meet and greet with howie. oh my nakakainggit talaga! kasi naman eh, bat ba di ako nag-effort na sumali sa contest, eh di sana ako ung katabi ni howie sa pic. πŸ˜€

bsbfcp admins and the contest winners with howie d.

a few minutes bago mag-start ang show, sinabihan kami nila crislyn, who were in the sponsors area, na lumipat daw kami sa sponsors. i guess kasi hindi napuno kaya pinagpaalam nila sa viva representative kung pwede kami pumasok. waaahhh!!! i wasn’t expecting this! πŸ˜€ so nagmamadali kami nila che at ate olive na lumabas at umikot sa likod. mejo natagalan kami makalabas kasi siksikan na ang mga tao. natagalan pa kami hanapin si crislyn don sa kabilang entrance kasi gitgitan na ang mga tao at ayaw kami pansinin ng mg guards. buti na lng nagkita din kami at nakapasok na kami. sakto naman pagpasok namin sa sponsors area, nagsasalita pa ang mga hosts at ini-introduce na ang front act. whew! na-stress ako sa mga kaganapan na un. πŸ˜€

hosts, nicole-hiyala and chris-tsuper.

front act, jimmy marquez.

whew! just in time! front seat, baby!!!

after ng ilang songs ni jimmy marquez, nagstart naman ang solo act ni sarah. grabe non ko lng na-realize na ang dami-dami pala talagang fans ni sarah. iba kasi ung nakikita mo lng sa tv, at mas lalong iba pag in person. at never ko din na-imagine na pupunta ako sa album launch ng isang pinoy singer.

after kumanta ni sarah ng i think tatlo or apat na songs from her new album, inintoduce nya na si howie d.

sweet d in the house πŸ™‚

anliit ni howie. πŸ˜€

“i’ll be there for you when the earth stops turning…”

isa lng ang kinanta nila. ung duet nila. i was hoping pa naman na kakanta pa sila ng kahit ano. un pala un lng talaga.

after ng duet nila, bumaba sila sa sponsors area para lapitan ang big bosses na responsible sa show nila, like mr. christian de walden, ang producer ng album ni sarah, pati na din ang big boss ng viva na si vic del rosario, may representative din na big boss ng sm.

i love this sarah shot.

we were THIS close to them. πŸ˜€

mrs. howie d

he heard us!

gwapo talaga kahit nakatalikod.

ready na for the autograph signing.

he saw me and he made that peace at me. πŸ˜€

natapos ang show at nakapagpa-autograph kami ng bandang 7pm na. sa sobrang starstruck ko sa kanya, hindi ko na nasabi ung line na pinagpraktisan kong sasabihin ko sa kanya. πŸ˜€ the one to two minutes na nasa harapan nya ako, nakatitig lng ako sa kanya habang kausap nya ung coordinator na nag-a-assist sa autograph signing. di pa din ako makapaniwala na nagsasalita sya sa harap ko.

nang pauwi na kami, don lng ako nakaranas ng pagod at pagkagutom. don ko talagang naramdamang ang sakit sakit ng likod ko dahil sa bigat ng dslr ko. at don ko din narealize na sulit naman pala ang photography classes ko! i am so happy with my shots. πŸ˜€

up to this day, sobrang overwhelmed pa din ang feeling ko. hindi pa din ako makapaniwala na nakaharap ko si howie, the howie d. πŸ˜€ dati pinapangarap ko lng na makita sila, at ngayon natupad na ma-meet ko ang isa sa kanila. totoo palang may howie d. πŸ˜€ bat naman kasi hindi na lng sya ang minahal ko eh, bakit ba si AJ pa. πŸ˜€

wazzup! wazzup!

Posted in celebrities on August 19, 2008 by kat

nakita namin si drew arellano kahapon sa may greenbelt. sayang lng at pababa sya ng escalator habang kami namanΒ eh paakyat. di tuloy ako nakapagpakuha ng picture with him. darn!

kasi naman nagmamadali din sya sumakay sa dyesebel van kaya di na ako nag-attempt pang habulin sya.Β πŸ˜€

di bale, magkikita pa naman kami. πŸ˜€

ito ang hot!

Posted in alex my love, bsb, celebrities, someone on April 8, 2008 by kat

kung hotness si marc nelson, mas hotness ito! uhmm…well, actually, this is one of alex’s “baul” pics. this was taken i think 10 years ago or less. basta matagal na. wala pa sya ni isang tattoo dito. shit! ang pink pa nya dito! hahaha. oh my, miss ko na ang dating itsura nya. ok lng naman na may tattoo sya eh, kaso ang nangyari masyado syang nawili, ayan pati braso nya nilagyan na din ng mga tattoo. at di pa nakuntento don, pati leeg at likod nya meron din. not sure lng kung meron din sya sa legs.

yep, believe it or not, sya ung nasa previous post ko dito.Β sa unang tingin, di mo talaga aakalain na sya dinΒ un. well, early days pa lng nya sa bsb eh obvious naman na he’s different, style-wise.

gagawa ako ng comparison ng before and after nya next time. πŸ˜€

i had a dream!

Posted in alex my love, bsb, celebrities, someone on April 7, 2008 by kat

sa kakaisip ko sayo ayan napanaginipan kita. sobrang saya ko sa panaginip ko dahil kasama kita. at panay ang sabi ko sayo na, “i can’t believe that i’m actually with you.” mega hug at kiss daw ako sayo. pero kahit na pinagnanasaan kita eh sa cheeks lng kita kini-kiss, mind you. πŸ˜€ sayang! dream na nga lng di ko pa tinodo. πŸ˜›

kuha daw tayo ng kuha ng picture hanggang sa malowbat ang cell ko. at ang nakakatuwa don eh you don’t seem to mind kahit na may video shoot kayong ginagawa. basta nandon ka lng daw sa tabi ko. and the whole time eh feeling ko talaga nasa cloud 9 ako.

funny thing is paggising ko, chineck ko ung phone ko kung may pics nga tayo..hahaha. loser! πŸ˜›

ngayon ko lng naalala, before ako matulog nung gabing un, ka-chat ko si lorry. and the last thing na sinabi nya sakin nung nag-bye ako eh, “sweet alex dream.” may pagka-dilang anghel pala tong si lorry. πŸ˜€ i wonder kelan ko kaya ulit sya makaka-chat? πŸ™‚

ano bang meron ka?

Posted in alex my love, bsb, celebrities, someone, thought balloon on April 6, 2008 by kat

ano bang meron ka at love na love na love kita? oh, love….love is such a strong word. ah basta! i like you! i love you! pareho lng un. i’ve been in love with you for years now, as long as you love me days pa! kulot pa nga buhok mo dati eh, ngayon konti na lng.

you’ve been through hell and back pero nandito pa din ako, umaasa na one day makikita din kita. at pag nangyari un, pwede na akong mamatay. as in i can literally die in your arms. at sa libing ko, gusto ko never gone ang music na ikaw ang kakanta.

ang dami nang nagbago sayo physically…as in MADAMI! di ko na nga mabilang ilang beses ka nagpalit ng hairstyle, lifestyle…from hip-hop kinda look (as in baggy pants and some bling) to gothic slash rocker, from tattoo-less to a lot of tattoos. ang di lng nagbago sa’yo eh palagi ka pa din naka-cap/hat. ayan tuloy, napapanot ka na. pero love pa din kita despite all that.

i really, really, really love your voice. as in i can listen to your songs over and over. i love the raspiness of it. kahit chorus nga eh, alam ko kung alin don ang boses mo.

i miss your dancing. di na kayo tulad ng dati na puro dance routines. you’re such a good dancer. i hope sumali ka sa dancing with the stars and show the whole world that you can do a lot more aside from singing.

and sana ipakita mo din ang acting skills mo. ano pa’t nag-theater ka nung bata ka. that i’ve yet to see.

sana mag-show ka din dito one of these days. if not, promise ko talaga sa sarili ko na pupunta na lng ako sa states at don manonood ng show mo or nyo.

how i wish mabasa mo to at maintindihan ang mga pinagsasabi ko. but one thing’s for sure, I LOVE YOU, ALEX!

ps: sabi ko sa sarili ko from now on alex na ang itatawag ko sayo. di na bagay ang AJ sa image mo.