that was close!

biglang nag-hang ang ipod nano ko kahapon. waaahhh nabigla talaga ako. kinabahan talaga ako. kung kelan naman kakalagay ko lng ng madaming songs at tyinaga kong aralin ang itunes eh saka pa naman nangyari.

ganito kasi un, kahapon ng umaga nung na kina rhea pa kami, naisipan kong makinig ng music para di ako makatulog. inaantay ko lng lumiwanag para makaalis na ako. past 5am na kasi non and kelangan kong umuwi ng 6am kasi gagamitin nila mommy ang sasakyan. okay pa sya pagbukas ko eh. pero pagpunta ko sa playlists ayaw na gumana. nag-hang na! naka-ilaw lng sya tapos hindi ko na maikot ung wheel nya.

akala ko makakatulog ako agad pag-uwi ko since gising ako for almost 24 hours lng naman. pero hindi, hindi ko kayang matulog ng hindi sya naaayos.

bigla ko naisip what if defective pala sya? eh sa states pa un binili ng tita ko so wala nang warranty since one year na din sya sakin. what if sira na talaga? waaahh..

pag-uwi ko nagtry ako agad sa itunes. ayun sabi “corrupted ipod” daw. click ko lng daw ang restore para umayos. pero walang nangyari. so sinearch ko agad sa google. may nabasa ako na same sa nangyari sakin. after nya daw irestore eh hindi na nirerecognize ng itunes ung ipod nya. nagtry ulit ako kay itunes. ayun ayaw din irecognize ung sakin. naiiyak na talaga ako.

then may isang nag-comment don na nirename nya lng daw sa disk management ung drive ng ipod. kinda technical kaya naloka ako. ung isa naman ni-reformat nya daw using FAT23 system. tinanong ko sa bro ko kung pano un since di nga nirerecognize ung ipod ko. sabi nya wala daw FAT23 system ang windows XP. waaahhh..sa linux nya daw pwede kaso di nya magagawa kasi paalis na sila. di nya din daw magagawa sa office kasi madami syang aasikasuhin. pag-uwi na lng daw nya. okay. fine. suko na ko. nag-decide na ako matulog ng 7:30am. 

paggising ko ng 5pm, nag-off na sya. i assumed na dead batt na kaya ganon. so di ko muna sya inintindi. nag-meryenda/dinner na muna ako at naligo.

nakagamit ako ng laptop almost 8pm na. mejo kinakabahan na nga ako kung magcha-charge pa sya eh. and voila! nag-charge naman. tapos nag-on na din sya. at nandon pa ulit ung mga laman nya! chineck ko isa-isa ung songs and wala namang kulang. pati ung pics kumpleto!

hanggang ngayon, mystery pa din sakin kung pano nangyaring corrupted sya to the point na di na nga sya nirerecognize ng laptop tapos ngayon parang walang nangyari.

miracles do happen. 😉

Leave a comment