Archive for April, 2007

psychotic nga ba si maricris???

Posted in PBB Season 2 on April 29, 2007 by kat

maricris-loka-loka.jpg well, sabi naman ng resident psychologist nila hindi naman daw. meron lang syang trust issue.

nakakatawa ung itsura nya habang kino-confront nya si bea. maricris-loka-loka-1.jpgparang gusto nya na kalugin si bea para magsalita. ang nakakainis pa dito hindi nya matanggap ang explanation ni bea at hindi nya pinapatapos magsalita. butt in sya ng butt in. and kahit sa previous episodes makikita talaga ung totoo nyang ugali.

sa totoo lang, hindi sya marunong makisama. bastos sya. nung bago pa lng si tina sa pbb house binastos nya din. nakakahiya. hindi naman sila ni nel pero makikita sa kanya na nagseselos sya sa closeness ni nel at ni tina, lalo na nung inutusan ni big bro si tina na turuan mag-swim si nel. parang hindi nya naiintindihan na task un. mina-mock nya si tina. nagsasalita pa sya na kunwari kausap si bodie ng, “o turuan mo din ako mag-swim,” something like that. tapos nung napatapat si nel at tina sa kanya bigla syang nag-paddle. naisip ko tuloy hindi sya minsan nag-iisip. mas inuuna nya ung galit nya or selos or whatever kesa isipin muna kung bakit ganon ang nangyayari.

i commend bea for not losing her cool. kahit na tumataas na ang boses ni maricris modulated pa din ang kay bea, though minsan tumataas din boses nya para lang pakinggan sya. kahit na nanjang magtatadyak at magpa-ikot ikot itong si maricris eh hindi nawawala ang coolness nya. palaban talaga tong babaeng to.

 ito lang ang masasabi ko, sana mapalayas na yang maricris na yan. hindi sya marunong makisama at hindi sya marunong makinig sa iba.

 abangan ang susunod na kabanata…

Advertisements

ngayon ko lang nalaman…

Posted in Family on April 29, 2007 by kat

ngayon ko lang nalaman na break na pala si biboy, bro ko, at si celine. grabe hindi ko naimagine na mangyayari to. they were together for almost 6 years, i think. and i really envy them kasi tagal na nila. at ang mas ikinagulat ko eh last december pa pala sila break. eh samantalang nung umuwi kami from quezon last dec 24 eh kasabay pa namin si celine bumalik ng laguna kasi on the way naman ang lucena kung saan sila nag-reunion. tapos nung dumating ang tita ko at cousins ko last january eh kasama pa namin si celine sa tagaytay.

sabi ni mommy kaya din daw siguro nangyari yun kasi lately naging busy si biboy sa photography. dun na kasi napupunta ang weekends nya eh. actually, it’s either photo shoots or office work naman ang inaatupag nya pag weekends. hindi ko din naman napansin na hindi na pala tumatawag sa bahay si celine. alam ko kasi pareho silang naka-sun so siguro yun din ang naisip kong commuication nila lagi kaya no need pa na tumawag sa bahay. pero tingin ko hindi pa sila totally over each other. syempre hindi biro ang 6 years. and minsan eh pumupunta pa si biboy don and like ngayon na birthday nya nagpadeliver pa sya ng yellow cab sa bahay nila celine…sipsip kasi yun don eh..hehe. 😀

kidding aside, tingin ko magkakabalikan pa naman sila. siguro lang talaga they’re both very busy with their works kaya siguro kinailangan nila ng space.

sana nga magkabalikan pa sila. alam ko naman na love na love ni biboy si celine, and ganon din naman siguro si celine…sana.

goodbye, tina! hello again, bruce!

Posted in PBB Season 2 on April 28, 2007 by kat

goodbye, tina!tapos na nga ang big brother swap. bumalik na nga si tina sa slovenia at bumalik na din si bruce sa pinas. in fairness, mas maganda ang big brother sa pinas kesa sa slovenia. pero syempre biased ako dba..hehe..hindi nman. based kasi sa mga napanood ko parang wala masyadong activities don, unlike dito puro sila tasks. and i think na-feel talaga ni tina ang filipino hospitality. at iba talaga ang pagsalubong ng mga pinoy sa kanya dito. kahit siguro sya hindi nya aakalain na magiging ganon ang crowd, kasi sa kanila parang wala lang.

 at nakakatuwa lang kasi game sya sa lahat and ang galing nyang makisama sa mga housemates nya. pero naiintindihan ko kung bakit di nya ma-take ang balut, kasi kahit ako hindi din kumakain ng balot…hehe. ang galing pa nya sa palo sebo, dinaig ang mga pinoy. 😀 and nakakatuwa sya pag kausap nya si nel. talagang gustong gusto nya si nel kasi jive ang ugali nila sa kulitan at kwentuhan.

 hvala, tina!

walang nagmamahal sakin

Posted in Eavesdropper on April 27, 2007 by kat

kanina nung nag-cr ako sa office na-overheard ko ung mga call center trainees na nagchichismisan. sabi nung isa, “bakit pag walang nagtetext sayo parang wala kang kwenta?” shit! tinamaan naman ako don. kasi ba naman no matatapos na ang office hourse eh wala man lang nagtetext sakin. wala na atang nagmamahal sakin. waaaaaaahhhhhhhh. aanhin ko pa ang magandang cellphone eh wala naman nagtetext sakin. nanjan ung icheck ko maya’t maya ang cell ko kasi baka hindi ko lang nariring. ung gusto ko na magtext sakin, minsan lang magparamdam. magparamdam man sya, quote or joke lang ang sinesend. ano ba namang buhay to!

 tapos nung bandang hapon na biglang tumunog ang phone ko. woah! sino kaya yon? syempre pa-deadma pa ko kunwari…hehe. after 3 minutes tiningnan ko na. lintek! globe advisory lang pala! kainis talaga!

 eto matutulog na ko, so far wala pa ding texts sakin. except nung nagkita lang kami ng mommy ko at bro ko kanina. hay…

hello philippines and hello world!

Posted in Randomness on April 25, 2007 by kat

at last meron na din akong blog site! nakakainis kasi yung  sa freewebs ko kaya eto naghanap pa ko ng iba.

ano nga ba ang meron sa blogging at tila ang daming nahuhumaling dito? ano ba ang pinagkaiba nito sa traditional na “dear diary”? naalala ko tuloy nung 1st year hs ako meron din akong diary, as in parang araw-araw pa yung entry ko don. then one day naisipan kong basahin yung mga previous entries ko, nabaduyan ako! hahahaha! aside from the fact na ayokong may makabasa non at nacornihan ako sa mga pinagsusulat ko eh kaya ayun pinagpupunit ko then tinapon ko..haha.

ngayon, since nauso na ang blogging, eh naeengganyo na naman ako gumawa ng journal. ang pinagkaiba lng, ngayon hindi ko na kelangan punitin pa..hehe. every time makakabasa ako ng blogs eh nainggit ako sa mga may-ari ng blogs kc they really take time to express their thoughts sa pagba-blog. outlet baga. well, sana lang sipagin ako magsulat palagi dito at sana magkaron din ako ng fans someday..haha.