Archive for September, 2008

cine europa!

Posted in Friends on September 23, 2008 by kat

bumalik kami ni jel last satruday after work sa shang para manood ulit ng cine europa. plan namin panoodin ung palabas ng 4:30pm at 7pm. libre naman kasi eh kaya ok lng. umalis kami sa office ng 3pm.

may dinaanan pa kami kaya nakarating kami sa shang ng bandang 4pm. pagdating namin sa ticket counter, ubos na daw ung para sa 4:30pm showing. ang daming dumating kasi aside from it’s free eh last day na kinabukasan kaya nagdagsaan na ang mga film buffs.

kahit sobrang gutom na kami eh pumila na din kami agad para sa tickets for the 7pm show. 5pm pa daw kasi sila magre-release. buti na lng nakapila kami agad kasi maya-maya lalong dumami ang mga tao at ang haba na ng pila. buti na lng on time nagrelease ng tickets kaya nakakuha din kami agad at nakakain na. sayang lng at may one ticket per person policy sila. di tuloy namin naikuha ng ticket si ayan. bawi na lng sya next year. 😀

after namin kumain, nag-ikot-ikot muna kami para magpababa ng kinain. pareho kaming nag-crave ng dessert. bago umalis ng food court nakita namin ang kookie korner at naglaway kami sa mga desserts nila. 😛 affordable din ung mga tinda nila kaya kahit na eclair lng ang balak namin bilhin eh napabili na din kami ng kanilang big walnut oatmeal cookie. ang sarap ng cookie na ito! sulit namin sya at very affordable for P60. 🙂

pumila na kami sa labas ng cinema ng 6pm para maganda ung seats namin na makuha namin. buti na lng konti pa lng ang nakapila kaya maganda naman ang naging pwesto namin. okay naman ung pinanood namin. masakit lng sa ulo ung pagbabasa ng subtitles.hehe. saka nawindang kami ni jel, kasi naman, may pagka-R-18 pala itong movie na ito. kaya pala may mga nakasabay kami sa pila na hinahanapan muna ng id before papasukin.

sayang di namin nakasama ang adik. may choir practice daw kasi sya eh kaya di sya pwede.

Advertisements

Protected: he’s back all right!

Posted in Friends, someone on September 17, 2008 by kat

This content is password protected. To view it please enter your password below:

our FIRST baby

Posted in celebrations, Friends on September 16, 2008 by kat

it’s our first baby! it’s our first baby shower! 😀 malapit na ang duedate ni claire kaya naman napag-planuhan naming magkaron ng surprise baby shower for her. last week lng namin ginawa ang preparations at nung sunday din na un ang shower. wala naman talaga masyadong preparations eh, bumili na lng kami ng food, balloons, hats at banner para mas feel namin ang celebration. ang alam ni claire, pupunta kami sa kanila para kunan lng sya ng pictures, kasi wala pa daw kaming picture na buntis sya. kaya nagulat sya nung pagbaba nya at nakita nyang may nakahain na kaming pagkain, may banner, at naka-party hats pa kami. 😀

finally!

Posted in bsb on September 8, 2008 by kat

nung saturday habang nag-iikot kami ni che sa sm, dumaan kami ng sm record bar to check kung meron na daw kung fu panda cds for her younger siblings. eh bigla kami napadaan sa audio section so nagtingin-tingin kami ng cds. sakto nung nagtanong kami meron silang gretest hits: chapter one. eh pareho kaming wala pang copy non kaya kahit out of budget eh napilitan kaming bilhin na kasi hindi na din sya binebenta sa lahat ng record stores. at take note, two copies left. so para samin talaga un! waaaahhhhh! ayan, nagsisikip na naman ako ng sinturon. 😀

being an avid bsb fan, people would think na kumpleto ko lahat ng albums nila. technically, ung greatest hits na lng ung kulang ko pero naghahanap pa ako ng cds ng first and second albums nila. ung copies ko kasi eh casette tapes pa and sobrang gasgas na. and mind you, i have two copies nung first album at three copies nung 2nd album. 😀 di ko na din magamit kasi wala na kaming casette player sa bahay. ay! meron nga pala akong cd nung second album nila (US version, so technically first album nila un) kaso may nakialam sa bahay kaya nawawala. ung case na lng ang naiwan. sayang at padala pa naman un ni mama sakin dati.

to anyone na may alam kung san pa may mabibiling cd ng backstreet boys and backstreet’s back pakibalitaan naman ako, please. old albums na kasi eh kaya hirap na maghanap. salamat. 😀