Archive for October, 2007

hey, it’s me

Posted in all about me, Life, whatever on October 30, 2007 by kat

10 random things about me

wala lng..i just want to put this list here

1. i love cats! obvious ba sa name pa lng give-away na.

2. i love to drive. i love being in control. walang pwedeng magsabi sakin kung ano dapat kong gawin kasi diskarte ko to. i love the freedom i get whenever im driving. and also, when i;m driving alone, it’s the only time i can belt out and sing my lungs out.haha

3. i love the backstreet boys! hahaha…since high school mahal ko na tong mga to, especially aj.

4. i’m a photography enthsiast. i’m still new at this and hoping to be known as a photographer someday.

5. i’m not fond of eating fruits and vegetables. i eat once in a while pero mabubuhay ako kahit wala sila..hehe. ika nga ng mommy ko, minsan lng daw ako kumain ng gulay eh gusto ko pa daw eh brocolli at cauliflower.hahaha

6. a frustrated dancer.haha. i remember nung elementary/high school eh sumasali ako sa school program. di naman ako actually sumasali pero pinipili ako ng adviser namin.ehem!

7. i used to be in a band. hep hep, school band po.haha. ung may lyre at drums na band na tumutugtog tuwing foundation day at nangunguna sa mga parada. i played the lyre.

8. i wanna be a housewife. seriously! promise mas gusto ko ang maging housewife kesa magwork sa office. lumaki kasi ako na ang mommy ko eh working at lagi kaming naiiwan sa maid. hindi naman ako galit or anything sa mommy ko kasi hindi naman sya nagkulang samin pero naaalala ko kasi nung bata pa ko umiiyak ako ng patago pag umaalis na sila ni daddy ng bahay saka pag ung weekends na kelangan nyang pumasok kasi gusto ko nasa bahay lng sya.

during my bum days, ako ang taga grocery sa bahay and taga check kung anong supplies ang wala sa bahay, saka taga bayad ng SSS ni daddy, taga deposit sa bangko. basta i love doing it. now, all i need is a rich husband.hahaha

9. i’ve never had a boyfriend. nbsb, yeah! so what? no big deal naman to sakin eh kung hindi lng sa mga taong nakapaligid sakin, especially mga relatives namin. lalo na ung bihira lng namin makita. lagi na lng, “o may asawa ka na ba?” syempre sasagot nman ang mommy ko, “wala ngang boyfriend yan eh.” sabay, “ay naunahan ka pa ni *toot*. sya nga may anak na eh.” haller tama bang ikumpara ako sa pinsan kong di pa tapos ng college at may baby na? as if naman she’s better than me. yeah, may anak and bf (siguro sila pa) na sya, pero di pa sya tapos mag-aral. so pano nya bubuhayin pamilya nya? dapat ba akong mainggit sa ganong sitwasyon? hindi.

syempre gusto ko din naman magkaron ng special someone pero anong magagawa ko kung wala pa. maybe God is still writing a story for me.

10. pessimistic. isa to sa mga characteristics ko na ayaw ko talaga. well, sino ba’ng may gusto nito dba. this is one of the reasons bakit ako hirap mag-decide. lagi na lng akong may what if ganito or ganyan ang ginawa ko. pag ganito, pwedeng mali, pero pwede ding maganda ang result. ewan ko ba.

isip pa ko ng iba.hehehe

Advertisements

20/20

Posted in all about me, buhay office on October 26, 2007 by kat

had our annual checkup today and i found out na 20/20 na ulit ang vision ko! wootwoot! last year kasi nagpacheck ako sabi naging 25 daw ung isang mata ko, which is i doubt. free eye checkup kasi un eh, so i think sinabi lng nila na may grado na ung mata ko eh para bumili ako ng eyeglasses sa kanila. actually may eyeglasses naman ako na ginagamit eh, wala nga lang grado. pero hindi din naman pa-cute lng.hehe. radiation protection lng to so gamit ko lng to everytime na nakaharap ako sa monitor, which is everyday becase of the nature of my work. pero saya ko talaga kasi one of my fears eh ung lumabo ang mata ko.so far mukhang ok nman ung iba pang tests. with my teeth naman eh kelangan lng daw ng cleaning and no need na bunutin ung isang molar ko. akala ko kasi sagabal sya kaya tumabingi ung mga ipin ko. un pala eh ok lng. good thing na binunutan na ko dati kaya ung tumubong molar ngayon eh nagreplace sa knya, kaya pala hindi masait nung sumulpot sya.hehehe. pero i would be needing retainers ulit kasi nga nag-galawan ung mga ipin ko nung tumubo ung isang ngipin na un. nasayang pa tuloy ung pagpapa-braces ko..hay…

 

 

rain, rain go away! part deux

Posted in Friends, office people on October 24, 2007 by kat

maulan na naman ngayon. ewan ko lng at this moment, malayo kasi ako sa bintana kaya di ko makita. pero kaninang umaga pagpasok ko eh malakas na ang ulan, na-late pa nga ako dahil sa traffic.

just had meryenda with jel sa canteen. nagiging routine na namin ang pagkain during breaktime, dati kasi nagkukwentuhan lng kami. ngayon gusto namin may kasama nang pagkain..hehe. ayan sira na nman tuloy ang diet ko. sarap sana nung mami kasi bagay sa malamig na panahon. ang kaso lng eh sobrang alat. di na nga namin nahigop ung sabaw sa sobrang alat.

nakikipagniig na ko ngayon sa file ni april davis. edit verbatim/full listen ang job order nya kaya kelangan lahat ilalagay ko. kamusta nman ang panget nyang recording! nakakaasar talaga! tapos hindi pa ko don sa post ko kasi ibang version na ang gamit nyang software. nasa likod ko lng nga si ma’m gayli eh, wag nya sana mahalata na iba ang ginagawa ko.hehe. eh kasi naman nabuburat na ko no! sumasakit lng tenga ko kakadinig sa mga bagay na di ko nman maunawaan. buti na lng at nakuha ko sa pc ko ang bsb songs ko kaya eto every now and then eh pinapakinggan ko para mawala ang inis ko at nang may marinig naman akong maganda. sana matapos ko to bukas para makabalik na ko sa aking lovely post.

so much for this day.

rain, rain go away!

Posted in whatever, Work on October 23, 2007 by kat

9:29AM

maulan ngayon. akala ko nga male-late na naman ako kasi syempre matraffic na naman .buti na lng hindi. pero eto inaantok nman ako. anong oras pa lng, naka 15-min nap na nga ako kanina eh.hehehe. eh kasi di ako makapagtrabaho pag naghe-headbang na ko kaya umidlip muna ako. pero parang wala  nmang nangari eh, eto naghe-headbang na nman ako. gusto ko sana kumain para mawala ang antok ko, ang kaso lng di nman ako nagugutom. nagpromise na din kasi ako sa sarili ko na di ako kakain pag hindi ako gutom.hehe.

sasabay sana samin si janine pagpasok kanina kaso lng brownout daw sa kanila kaya di pa sya ready nung paalis na kami. nag-igib pa daw kasi sya.

aalis si peng ngayon, pupunta daw sila ng mga kaklase nya sa wake nung dad ng isa nilang classmate. isa yung dad ng classmate nya sa mga nabiktima ng g4 tragedy. first time nya babyahe papuntang magallanes kasi don daw sila susunduin nung classmate nila. sana lng wag sila maligaw kasi di yun sanay bumyahe sa area dito.hehe. magtetext nman cguro sya pag naliligaw na sya.

later na ulit ang updates. mahaba pa nman ang araw.

~~~

3:56PM

hapon na pero eto inaantok pa din ako.hehe. lamig kasi ng climate eh tapos ang lamig din dito sa loob kaya nman eto para akong hinihila ng kama. kakagaling lng namin ni jel sa canteen for meryenda. sarap ng pansit canton saka pandesal. nakasabay nga pala namin si bonj. solo flight kasi sya kaya niyaya na namin sya sa table namin. busog nman ako pero gusto ko pa kumain. gluttony! pero hindi, nagpromise na ko sa sarili ko na di ako kakain hangga’t di ako gutom.

sana umulan na ng umulan ngayon at sana pag-uwi namin wala na. traffic na lng ang problema.hehe.

unbreakable is on it’s way!

Posted in bsb on October 23, 2007 by kat

syempre dapat may separate entry ang bsb dito sa blog ko. kaya here goes:

unbreakable.jpg

due for release na ang sixth studio album ng bsb. it is entitled “UNBREAKABLE.” i’m currently listening to three of their new songs: happily never after, helpless when she smiles, inconsolable (single, being played in local radio stations.) these were leaked in the internet a couple of months ago pa. ganda ng mga lyrics. since NEVER GONE album eh nag-iiba na ang image ng bsb. syempre nag-mamature na. pero i still miss their dance routines whenever i see new videos of their performances. umalis man si kev, he’s still a part of bsb and bsb will always be here to stay. anong sinabi ng mga kasabayan nilang bands jan!

going back to the album, super excited na ko mag oct 30 kasi yan ang date ng official release ng album nila. i think worldwide un. and since im a member of the BSBFCP (backstreet boys fan club philippines), we were informed that we can pre-order a copy of their cd for only P320.00. huwatt?!?!? ang mura dba. so ayun syempre type away ako agad to order. i chose the option to ship it to me kasi ayoko na pumunta ng megamall for the pick up. tamad ako umalis sa gabi eh..hehehe

then kinabukasan sinabi ko kay ash (bsb fanatic din na officemate ko) about don, nung una wala syang balak umorder. then the next day sabi nya gusto nya and her friends daw sana na magpasabay sakin. pero gusto nya pick up na lng kasi ang mahal nga naman aabutin kung may fee na P125 per cd. nag-email ako agad kay crislyn (bsbfcp admin) kung pwede dagdagan ko ung order ko, ayun ok lng nman daw. bale all in all 5 cds inorder namin, one for me, one for ate olive (kasambahay namin), one for ash, and the rest for her friends. eto nga sobrang excited na kami magnext week eh. di na kami mapakali.hahaha. ngapala, si ash ang kukuha ng cds kasi wala daw silang pasok that day kaya ok lng. madedelay lng ako ng one day to get the cd pero, ok lng. ok lng nga ba? hmmm… hahaha

may unbreakable album leak nga pala na kumakalat na. pero hindi ako nagpasend ng copy..hehe. im a loyal fan and gusto ko ung cd mismo nila ang mapakinggan ko. so there’s no choice but to wait for next week. buti na lng long weekend ako next week because of undas kaya wala akong gagawin kung pakinggan ng pakinggan ang album nila. syempre dadalaw din nman ako sa sementeryo noh.

i’ve conquered my fear…NOT!

Posted in Friends on October 21, 2007 by kat

kanina ang funeral rites ni ferds. ang aga ko nagising kasi sabi ni leng 7am daw ang alis ng laguna kasi sa marikina pa sya dadalin. aba past 6am pa lng nagtetext na sya kasi paalis na daw. buti na lng magbibihis na lng ako at mabilis akong kumilos kaya nakahabol pa ako. si janine hind naka-abot. nahuli lng sya ng ilang minuto samin. nasalubong pa nga namin ung trike na sinasakyan nya eh. kasi naman alam talaga namin 7am. pero nakahabol nman sya don eh, un ang importante.

ako lng ang nandon during the rites kasi si janine nasa byahe pa tapos si che at ya eh hindi sumama. being the good friend that i am..hehe..sinamahan ko si leng lumapit sa casket kasi isasama nya ung cd ng fave songs ni ferds. takot man ako lumapit eh hindi ko na ininda kasi inaalalayan ko si leng. baka kasi bigla un magbreakdown don o kaya biglang matumba sa sobrang iyak. so ayun! i’ve conquered my fear. it’s the first time na ganon ako kalapit sa patay. as in i’m inches away from him. tapos inalis pa ung cover kasi nga may nilagay si leng saka ung family ni ferds, tapos kinuha din nila ung pera na nasa kamay (tradition chuvaness). ayoko man sana sya tingnan pero nandon na eh, saka inaalalayan ko nga si leng kay no choice na. pero syempre for the love of leng kaya ko nagawa un.

pagdating ni janine, ang una ko agad nasabi sa knya, “janine, i’ve conquered my fear.” sabi nya, “o dba.” sya kasi na-conquer nya din ung fear nya na un during that whole week of events. from the time na nasa ICU pa lng si ferds to the time na nasa morgue na sya eh kasama sya ni leng. pero un nman cguro ang di ko kakayanin.

~~~

since nasa marikina na eh sinamantala na ni janine na i-meet si boyfriend elmer. gumagaya na kay rhea, dumo-double purpose na din sa mga lakad. ayun, nagpa-iwan, di na samin sumabay pauwi. sa pasig din nman daw kasi sya uuwi eh kaya don na lng sya. asus! kabilin-bilinan pa nman ni che nung gabi na wag ko daw hahayaan si janine na di samin ipakilala si bf.haha.para ba nmang mapipilit si janine. basta sabi ni janine it’s not yet time. syempre gusto nya ung parents nya muna ang ma-meet ni bf.

so much for that. i need to sleep na kasi maaga pa ko bukas.

glorietta 2 bombing

Posted in Life, shocking! on October 21, 2007 by kat

grabe ung bombing na nangyari sa glorietta last friday, oct. 19. wala na talagang safe na lugar ngayon. nagulat ako nung narinig ko ang news na yan, lalo pa glorietta is just a walking distance from our office and don dumadaan kami don pag sumasabay ako maglakad sa mga officemates ko. tapos rinig pa sa office namin ung wang-wang ng mga ambulance at police mobiles. kakatakot talaga. based sa initial investigation eh LPG tank daw from luk yuen resto ang sumabog. then habang tumatagal eh bomba na daw dahil sa lakas ng impact sa grabeng result. putanginang mga terorista talaga yan! mga walang magawa! ang daming inosenteng buhay ang nasayang dahil sa makasarili nilang mga layunin. ma-karma sana sila agad.

here are some pics of the glorietta 2 aftermath.

note: these pics are not mine.

pic08723.jpg

pic32757.jpgpic20037.jpgpic087231.jpg

 

~~~

 

then kanina, 2 days after ng g2 bombing eh nagkaron naman ng pagsabog sa g4. at first akala ko another bombing na naman. i searched kanina sa gmanews.tv and it’s faulty electrical wiring ang cause. and the good thing is wala nman atang nasaktan or napinsala. syempre, nag-cause lng sya ng chaos at takot sa mga tao. pero at least no one got hurt.