Archive for August, 2007

diet and bad mood, not a good combination

Posted in diet-dietan, Friends, whatever on August 8, 2007 by kat

nakakainis ang araw na to. aside from may bagyo eh we didn’t get to see quentin tarantino sa cinemanila. hindi ko nman sya talaga gusto pero the fact na nagpunta kami don for the opening night tapos hindi kami nakapasok eh bummer talaga.

kasi naman, etong si ohsie na kaibigan ni rhea eh hind dumating. nakakairita talaga! akalain mong before 8pm eh nasa gateway mall na kami tapos ang mokong na may dalang pass namin para makapasok eh nasa office pa nila in intramuros. talaga naman! may contact ka nga sa cinemanila, wala din nmang silbi. naker!

ang nakakainis pa eh expected nya nman na dadating kami tapos hindi nman pala sya dadating don on time. sayang lng ung alis namin eh wala di nman kaming napala. ni anino ni ely buendia na nagperform daw don eh hindi namin nakita.

sa sobrang inis nga namin ni rhea eh kumain na lng kami. kahit on a diet ako eh napakain din ako since naiinis nga ako.

Advertisements

the day before the grad

Posted in Friends, Life, workshop on August 4, 2007 by kat

hay naku sa wakas graduation na namin bukas sa advanced class. sa wakas eh matatapos na din ang ilang araw na pagpapagod namin kakaisip ng concept, pag shoot, at pag-reshoot. grabe gabi gabi ata eh magkakausap kami ni gigs at jarell at nagcoconsult sa isa’t-sa about our concepts and pics.

at ngayon naman, pati layout eh kino-consult pa namin sa isa’t-isa.hahaha. ang nakakatawa pa, itong si gigs at jarell eh pina-print ung pics nila ng puro 8R, konti lng ang 5R. kaya ayun problemado ang dalawa kung pano pagkakasyahin sa 20×30 na illustration board lahat un.

si gigs, so sobrang asar tinulugan na lng kami at bukas na lng daw nya ididikit. si jarell nman eh binawasan na lng ung pics nya para magkasya ung iba.

lesson learned: tantyahin muna ung mga pics na ilalagay sa illustration board before magpaprint para walang masayang.haha

ngapala, nakaym din namin ni jarell si ramil kanina. mejo matagal tagal din naming di nakausap yang si mr. lovestruck.

isa pa, sana naman makasama sa mga magpupuri ung pics namin bukas para naman worth it lahat ng pagod at gastos namin.