i have this terrible headache now. same like yesterday. it’s the day after christmas, and here we are, scoping our asses off with these damn files.
bakit ba hindi pwedeng holiday din ang dec. 26? alam naman ng lahat na busy ang 25th so malamang di pa kaya pumasok ng 26th dba. hay ewan!
i haven’t had the chance to update this blog of mine for a couple of days na. naging super busy kasi with OT sa work plus the holiday errands, plus kung ano anong nangyari with me and my friends.
so here’s my update:
dec. 15. our company christmas party.
it was held at gerry’s grill in insular bldg here at paseo de roxas, makati city. i arrived sa venue a little past 6pm. ang target ko sana eh 5:30 nandon nako since i am the official photographer. ehem ehem.hahaha . this year’s theme is “strike that — ‘coz SWA goes fahionista.” o dba, pang fashion din kami.
anyways, because of traffic, na-late ako sa target time ko. pero ok lng naman kasi 7pm pa talaga ang start ng party and karamihan dumating eh past 8pm na since galing pa sila sa office at nagpaparlor muna bago pumunta sa party.
masaya naman ang party, pero hindi kasing saya last year. ngayon kasi parang buong party naka-upo lng kami. may raffle at fashion show pa. each team is required to have a representative, a male and female, para sa fashion show. for our team, SGB, it’s mitz and mikes. for AMP, it’s alvin and ivy. for the QA team, it’s terry and bonj. for the admin team, it’s nyssa and alex. we won last.hehe. pero ok lng. maraos lng ang party. our team had a photo shoot a week before the party na plano sana namin isama sa presentation while naglalakad sa catwalk si mitz at mike. but due to time constraints and lack of energy to do so, di na namin naisali.
nakakuha ulit ako ng P1k ngayon.hehe. nagdagdag kasi si sir jct ng anonther P10k, 1k each to 10 people na mabubunot. good thing nabunot ako, nabawi ko na naman ung pinambili ko ng damit ko.hehe
dec. 17-21
hay naku, ang week na to ay punong-puno ng OT! nag OT ako ng tues-thurs. choice ko naman kung magOT ako pero no choice pa din ang kinalabasan kasi di ko agad natapos ang file ko. so no choice, kundi ang magstay pa ng another two hours to finish the file. pinakamatindi dito ang OT ko nung thursday. wala talaga akong plano kasi dapat bibili ako ng mga panregalo ko kasi di ako natuloy ng wednesday dahil din sa OT. i finished my file ng 2pm and after non, i was given an alisa dorilma file. ito ang isa sa mga kliyente namin na panget ang trabaho! as in panget talaga. panget na ang transcript nya, panget pa ang audio. so anong gagawin namin, pagandahin at linisin. i stayed in the office for another 3.5 hours just to finish her file. natapos ko nman sya pero alam ko madumi pa din ang gawa ko. pero hindi nman sya nagrereklamo pa, so i guess okay naman.hehe. saka kapal ng mukha nya pag nagreklamo sya. eh kahit nga ang TL ko sabi sakin wag ko na iproofread kasi panget naman talaga…in short, wala nang solusyon.hehe
starting din nung monday eh hindi na pumasok si jel. na-ospital kasi ung tatay nya last week pa so she opted to help sa pag-aalaga sa dad nya sa ospital at sa pag-uwi sa bahay nila. she texted me nung friday, updating sa lagay ng dad nya. sabi nya may follow-up check up daw sila kinabukasan, saturday. then nagulat ako nung saturday morning, around 7:30am, she texted me na her dad passed away na daw. ang sad nga eh, kasi it’s just a few day before xmas. pero at least they got to bond with him before he left.
umuwi kami ng mauban nung sunday then balik din kami kinabukasan. ayaw kasi namin don mag-xmas kasi boring. so inagahan na lng namin tapos nag early xmas party na lng kami don with the relatives. masaya naman syempre nagkukulitan na naman kaming magpipinsan. though kulang ang saya kasi wala si tita naneth. nasa canada kasi sya. don sya nagwowork. sina ate joanne naman at tita ahleng eh nasa thailand.
dec. 25
sa bahay lng kami as usual. tinext ko nga ung mga friends ko na nagdaan na naman ang pasko na parang ordinaryong araw lng. hay naku ewan ko ba! palagi na lng ganito. hindi ko na maalala kung kelan nawala ung pagiging excited ko sa pasko. hindi nman ako grinch no, in fact i like the gift-giving part. nalampasan ko na nga cguro talaga ung stage na sobrang inaantay ang pasko. and cguro nga kasi i have my personal issues kaya hindi ko na to naeenjoy.
whatever! o well, there goes my update.